Sunday, October 12, 2008

Inuman 101

Rule number 1: Pag iinom lang sa bahay, wag magsusuot ng bonggang bongga.

Kung hindi naman high end bar ang pupuntahan mo, hindi mo na kailangang pumorma-porma.
Kasi kung may lasing, at nakamini skirt ka, asahan mong may hindi magandang mangyayari. Lalo na kung matagal nang hindi nakakatikim ng luto ng Diyos ang itinutukoy.

Rule number 2: Wag maarte.


Ang pinikpikan ay masarap. Kung hindi mo alam kung ano ang pinikpikan, aba, dapat matikman
mo na. Kain sa iisang plato, tagay sa iisang baso. E ano naman kung ang last na nagshot e mukhang hindi nagtutooth brush? At least masaya kayong lahat.

Rule number 3: Wag paimporante.

Pag tinanong ka kung anong gusto mo, sabihin mo agad kung ano ang iniibig mong tirahin. Gin
blue man yan o beer, wag ka nang magiinarte pag wala ka nang iniinom. Feel at home. Lalo na
kung bahay mo nga talaga ang lugar na pinagdadausan ng inuman.


Rule number 4: Uminom lang ng tama.

Ang alak ay nilalagay sa tiyan, hindi sa utak. Pag sobra na sa inom, tumigil muna ng ilang sandali
at namnamin ang hilo. Pag nawala ang tama, uminom ulit. Magsuka kung kinakailangan.

Rule number 5: Maghanda ng asin.

Pag hindi inaasahan, at kailangang mag "body shot", at least alam mo kung nasaan ang asin. Hindi ka na maghahanap ng hindi pa naliligo para lang may madilaang maalat.

Rule number 6: Pag niyayang sumayaw, wag nang magpakipot.

Hindi na uso ang pagirl. Lalo na kung crush mo na ang nagyayang sumayaw.

Rule number 7: Makijam lang sa mga lasing.

Lasing sila, at kahit na sabihin pang wala na sila sa sarili nila alam pa rin nila ang ginagawa nila. So, kung may nasabi nilang nakakasakit, o kung natapakan nila ang paa mo, o kung nasapak ka nila ng hindi sinasadya, hayaan mo na. Bumawi ka na lang next time.

Rule number 8: Ang pulutan ay hindi ulam.


Wag maghanap ng kanin.

Rule number 9: Hindi pulutan ang kasamang umiinom.

Pwera na lang kung masarap talaga siya, saka ka maghanap ng kanin. :)

Rule number 10: Magpasalamat sa nagpainom.

Pwede ding hindi - kung ikaw ang nagpainom.



INUMAN NA!!! Bottoms Up!!!

2 comments:

normanrey said...

LOL... I thoroughly enjoyed this post!!! Na-miss ko tuloy yung buhay ko dyan noon. But I guess I can still apply these lessons here.

Beaugarte said...

Thanks!

It was also fun writing this post.

Good luck in applying Inuman 101 there!