Parang sinilaban ang puso ko
nang malaman ko na iiwan mo na ako.
Mula sa iyong mga labi namutawi
ang mga salitang pinilit kong tanggalin sa aking pagiisip.
Ngunit kahit anong gawin kong pilit,
hindi ko maintindihan kung bakit.
Bakit sa dinami - dami ng mga taong kailangang lumisan,
ikaw pa.
Kaya eto ako, nagdarasal na sana
- sana lang - hindi maisakatuparan ang iyong paglisan.
Dahil alam ko, dito sa kaibuturan ng aking puso,
hindi ko kakayaning wala ka.
Seahorses
-
A morning walk at the Villa Borghese park on our last day in Rome. A
couple of years ago, I took a picture of the Fontana dei Cavalli Marini.
This time ...
2 months ago

No comments:
Post a Comment