Thursday, December 7, 2006

Sa Bawat Patak ng Ulan


(An old post I have written June 3, 2005. It still breaks my heart to read it.)

Sa bawat pagising ko ng umaga, ikaw ang laman ng isip ko...

Ewan ko kung bakit ganun, basta ang alam ko, gusto kitang makita,
kahit na mga letra lamang ng pangalan mo ang makita ko sapat na sa akin...


sa bawat patak ng ulan tandaan mo, kasama niyan bumubuhos ang pagibig na ilalaan ko para sa iyo...


kahit na pilit mong nilalayo ang sarili mo sa akin....


sa mundo ko, ikaw ang naghahari...
ang mayari ng puso ko.


sa mahihinang tibok ng puso ko naririnig ko ang pangalan mo
sa bawat patak ng ulan naririnig ko ang tibok ng puso mo....


ang tibok ng puso mong inilaan mo na para sa iba
naiinggit ako sa kanya, dahil alam kong siya lang ang magiging laman ng puso mo...
at kahit pilitin kong ipasok ang sarili ko sa mundo mo, hinding hindi tayo magiging para sa isat isa...


kaya heto, babalik na lang ako sa tabi ng aking bintana,
makikinig nang muli sa pagpatak ng ulan...


dahil alam ko,
sa bawat patak ng ulan,
andun ka,
naririnig kita...

No comments: