Umuulan na naman...
Nakakatuwang isipin na pag umuulan, ayaw nating mabasa. Samantalang kapag taginit naman e gusto natin lagi tayong nakatampisaw sa tubig. Ok lang naman ang konting ambon e. Tapos pag palabas ka na ng bahay, titigil na, parang walang nangyari. Masaya ang mga halaman at tuyo ang outfit.
Narinig mo na ba ang kantang Tuwing Umuulan? Yung kantang ang message e ok lang na umulan basta may kasama ka? Ayoko yung kantang yun. Oo, nakakatuwang pakinggan si Regine Velasquez habang tumitili na parang wala nang kinabukasan, pero pag inisip mo ng maige - may kaagaw ka na ng kumot, madadagdagan pa ang bayad mo sa kuryente dahil dalawang beses nang magpapainit ng ubig na pampaligo. Buti sana kung mayaman ka. E pambili na nga lang ng tuyo e pagiipunan mo pa ng 3 buwan. Wala pang kasamang kanin yun. Kailangan mo pang bumili ng kanin sa karinderya. Sampung piso para sa isang serving ng rice. Ang gagamitin nilang pantakal e yung pangtakal sa gatas ng bata. Mga dalawang ganun.
Isipin mo na lang kung naging halaman tayong lahat.
BAMBOO: "Naku, umuulan na naman, malakas na naman ang hangin, magbebending exercise na naman ako."
PINE TREE: "Hindi ako na kailangan pang magbending."
CACTUS: "TULUNGAN NIYO AKO, NALULUNOD AKO!!"
Hay, ewan ko nga ba. Minsan naiisip ko, pag umuulan, talagang hindi mo mapipigilang magisip.
May naiwan ka bang sampay sa bahay?
Tumutulo ba ang bubong?
May pasok ba ang mga bata?
May bagyo ba?
Kelan kaya titigil ang ulan?
Kailan kaya matututo ng ibang sayaw si Marianne Rivera?
Buti sana kung pera ang nahuhulog mula sa langit. Kung pera yan, aba, baka lahat ng timba ko sa bahay e nakasahod na. Ang problema, pag barya ang nahulog, kailangan magsuot ng protective gear. Baka bukol ang abutin mo, gastos na naman.
Sabi nga ng kaibigan kong itago na lang natin sa pangalan na Fifi Larue, sa sobrang hirap ng buhay, marami ang natututong kumapit sa patalim. Aba, e ikaw ba naman ang ligawan ng mayamang Amerikano, kahit na nakakalbo, go go go na, kahit na wala na itong buhok sa ulo at mas makapal pa ang buhok niya sa dibdib.
Ayan, tumila na ang ulan. Bukas uulan ulit. Sana naman pera na ang bumuhos. Wag lang barya.
Aaawhh heaven. How much for that luvin'?
-
The Best Things In Life Are Free. Boy, when you look at me. Do you judge me
by my cover? Ya got to be kiddin' me, to think that I'm that kind of lover.
I d...
12 hours ago
No comments:
Post a Comment